Mga supermarkets sa Beijing, handang handa na para tugunan ang pangangailangan ng mga residente

2022-04-26 11:54:55  CMG
Share with:


Para harapin ang lumalaking pangangailangan ng mga residente sa pag-iipon ng mga pang-araw-araw na kinakailangan kasabay ng pagpapahigpit ng mga hakbangin sa pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dinoble ng mga supermarkets ng Beijing ang kani-kanilang imbentaryo.

 

Nitong nakalipas na ilang araw, tumaas ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Beijing, at ang karamihan ng mga ito ay nasa Chaoyang District.

 

Iniutos na ng pamahalaan ng Beijing ang pagsasagawa ng mass testing sa lahat ng mga nakatira at nagtatrabaho sa distritong ito, at isinasagawa ang closed-off management na may magkakaibang digri sa mahigit dalawang dosenang sonang residensyal.

 

Nangako sa publiko si Zhao Weidong, Pangalawang Direktor ng Municipal Bureau of Commerce ng Beijing, na sapat ang suplay sa mga pamilihan sa lunsod para sa normal na pangangailangan ng mga tao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac