Tsina, mahalaga sa supply chain at green economy ng daigdig – IMF

2022-04-27 15:54:17  CMG
Share with:


 

Ipinahayag Lunes, Abril 25, 2022 ni Krishna Srinivasan, Deputy Director ng Asia-Pacific Department ng International Monetary Fund (IMF), na ang Tsina ay gumaganap ng mahalagang papel sa supply chain at green economy ng daigdig.

 

Aniya, matapos mabisang makontrol ng Tsina sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), maayos na napanumbalik ang supply chain sa daigdig.

 

Kapansin-pansin din aniya ang pag-unlad ng green economy ng Tsina.

 

Dagdag niya, dapat patuloy na pasulungin ang pag-unlad ng green energy at dibersipikadong pagsuplay ng enerhiya.

 

Naniniwala aniya siyang gaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa usaping ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio