Pangalawang pangulo ng Amerika, nagpositibo sa coronavirus

2022-04-27 12:07:52  CMG
Share with:


Nagpositibo si Pangalawang Pangulong Kamala Harris ng Amerika sa pagsusuri sa coronavirus Lunes, Abril 26, 2022, ayon sa kanyang tagapagsalita.

 

Dagdag ng tagapagsalita, wala pang lumilitaw na anumang sintomas si Harris, pero sumasailalim siya sa sarilinang kuwarentenas at patuloy na magtatrabaho mula sa kanyang tahanan.

 

Samantala, hindi nagkaroon ng malapit na kontak si Harris kay Pangulong Joe Biden at sa unang ginang kamakailan.

 

Anang pahayag, susunod ang pangalawang pangulo sa patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at doktor, at babalik sa White House pagkaraang magnegatibo sa pagsusuri sa coronavirus.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio