Xi Jinping, ini-utos ang buong sikap na pagliligtas makaraang gumuho ang gusali sa gitnang Tsina

2022-05-01 17:04:43  CMG
Share with:


 

Ini-utos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lahat ng pagsisikap, para iligtas ang mga nastranded at nasugatan, makaraang gumuho ang isang ilegal na naitayong gusali, Abril 29, 2022, sa Changshan, punong lunsod ng lalawigang Hunan sa gitnang bahagi ng Tsina.

 

23 katao ang inisyal na nakumpirmang nakabaon sa ilalim ng mga guho. Nailigtas ang lima sa kanila at isinugod na sa ospital.

 

Samantala, nawawala ang kontak sa ibang 39 na katao sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, at sinisiyasat ang kondisyon nila.

 

8 palapag ang naturang gusali, na binubuo ng isang restawran, isang kapihan, isang otel, at mga pabahay.

 

Sa kasalukuyan, ini-iimbestigahan ang sanhi ng pagguho ng gusali. Pinigilan din ng pulisya ang may-ari ng gusali, at ilang tauhang may kasangkot sa pagbabago ng estruktura ng gusali.


Editor: Liu Kai