Panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad sa Shanghai, mabisang napigilan

2022-05-01 17:06:20  CMG
Share with:

 

Sa prekson ngayong araw, Mayo 1, 2022, sinabi ni Gu Honghui, puno ng COVID-19 response team ng Shanghai, na mabisang napigilan ang panganib ng pagkalat ng virus sa mga komunidad sa lunsod.

 

Ayon kay Gu, sapul nang umabot noong Abril 13 sa pinakamataas na 27,605, bumababa hanggang ngayon ang bilang ng bagong pagkahawa ng COVID-19 kada araw sa Shanghai.

 

Sinabi rin ni Gu, na sa kasalukuyan, naging zero-COVID-19 ang anim sa 16 na distrito ng Shanghai, at unti-unting papayagan ang malayang pagbibiyahe ng mga residente sa anim na distritong ito.

 

Samantala, ayon sa munisipal na komisyong pangkalusugan, naitala kahapon sa Shanghai ang 788 bagong kumpirmadong lokal na nakahawang kaso ng COVID-19, at 7,084 na asimptomatikong kaso.


Editor: Liu Kai