Ayon sa estadistikang ipinalabas Mayo 4, 2022 ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), tumaas sa 8.8% ang inflation rate sa rehiyon ng OECD nitong Marso ng taong ito, na naging pinakamataas na lebel sapul noong Oktubre 1988.
Bukod dito, tumaas din sa 33.7% ang presyo ng enerhiya sa rehiyon ng OECD kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon, na naging pinakamataas na paglaki sapul noong Mayo 1980.
Ayon sa OECD, ang pagtaas ng presyo ng enerhiya ay pangunahing dahilan ng mataas na implasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio