Ipinahayag Mayo 4, 2022 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO) na, iniulat kamakailan ng Timog Aprika ang dalawa pang bagong Omicron sub-variant, na tinaguriang BA.4 at BA.5.
Ang mga ito aniya ang pangunahing dahilan ng mabilis na pagdami ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa nasabing lugar.
Sa kabila nito, sinabi ni Ghebreyesus, na malaki pa rin ang papel ng bakuna sa pagpigil ng malubhang sakit at kamatayan kaugnay ng COVID-19.
Isinasagwa ng WHO ang pagsusuri at pagsubok sa dalawang bagong Omicron sub-variant, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio