Lebel ng interes ng Federal Reserve ng Amerika, itinaas sa 0.5%

2022-05-05 13:49:49  CRI
Share with:

Ipinatalastas Miyerkules, Mayo 4, 2022 ng Federal Reserve ng Amerika ang pagpapataas ng 0.5% sa lebel ng interes upang umabot sa 0.75% hanggang 1% ang benchmark rate nito.

 

Sapul noong taong 2000, ito ang unang pagkakataong itinaas ng nasabing organisasyon ang lebel ng interes, na nagpapahiwatig ng pangkagipitang hakbang kaugnay ng contractionary monetary policy.

 

Kasabay nito, idineklara ng Federal Reserve ng Amerika na mula unang araw ng darating na Hunyo, babawasan ng halos 9 na trilyong dolyares ang Balance Sheet para makatulong sa pagpapataas ng lebel ng interes at pigilan ang tumataas na implasyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio