Ayon sa ulat ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 329 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Mayo 7, 2022.
Sa mga ito, 10 ang galing sa labas ng bansa, at 319 ang domestiko.
Batay pa sa datos, 9,181 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
Samantala, 5,174 ang mga pumanaw.
Salin: Lito
Pulido: Rhio