Takbo ng negosyo sa Shanghai, unti-unting pasisiglahin

2022-05-16 15:00:04  CMG
Share with:

Ayon sa news briefing hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ng Shanghai, Mayo 16, 2022, 15 sa 16 na distrito ng lunsod ang ligtas na sa COVID-19. 

 

Ayon pa rito, simula Mayo 16, unti-unting pasusulungin ng Shanghai ang pagpapanumbalik ng trabaho, produksyon, kalakalan at pag-aaral sa paaralan.

 

Tinatayang komprehensibong mapapanumbalik ang normal na produksyon at pamumuhay sa lunsod sa Hunyo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio