Bilang ng kasunduan ng malayang kalakalan na nilagdaan ng Tsina, nagdoble

2022-05-16 15:56:18  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, nagdoble sa kasalukuyan ang bilang ng mga kasunduan ng malayang kalakalan na nilagdaan ng Tsina kumpara noong 10 taong nakalipas.

 

Anito, nilagdaan ng Tsina ang 9 na bagong kasunduan ng malayang kalakalan sapul noong 2012.

 

Sa larangan ng kalakalan ng serbisyo, ipinangako ng Tsina na bubuksan ang 100 departamento bago sumapi sa World Trade Organization (WTO), dagdag pa ng ministri.

 

Samantala, sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), binuksan ng Tsina ang 22 bagong departamentong panlabas.

 

Ipinahayag ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa hinaharap, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagsapi sa Comprehensive Progressive Trans-Pacific Partnership (CPTPP) at Digital Economy Partnership Agreement (DEPA).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio