Pagtaas ng timbang ng Chinese Renminbi sa SDR valuation review, makakatulong sa pag-akit ng Renminbi asset

2022-05-18 14:58:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpasa ng Chinese Renminbi sa Special Drawing Right (SDR) valuation review ng International Monetary Fund (IMF) at pagpapataas ng halaga nito, inihayag Mayo 17, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa natamong tagumpay ng Tsina sa reporma, pagbubukas at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.

 

Aniya, makakatulong ito sa ibayo pang pagpapataas ng katayuan ng Renminbi sa international reserve currency, at pagpapalakas sa pag-akit ng mga Renminbi asset.

 

Natapos kamakailan ng IMF ang quinquennial SDR valuation review, at pinataas sa 12.28% ang timbang ng Renminbi, mula 10.92%.

 

Ito ang kauna-unahang pagpasa ng salaping Tsino sa SDR valuation review, sapul nang ilakip ito sa basket ng SDR noong 2016.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio