Nakatataas na diplomata ng Tsina, nagbabala laban sa mga maling pananalita at aksyon ng Amerika sa isyu ng Taiwan

2022-05-19 16:48:24  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono Mayo 18, 2022, ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina kay Jake Sullivan, National Security Advisor ng Amerika, nagbabala si Yang laban sa muling paglalabas kamakailan ng panig Amerikano ng mga maling pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan.

 

Dagdag niya, isasagawa ng panig Tsino ang mga matatag na hakbang, para pangalagaan ang soberanya at interes sa seguridad ng bansa.

 

Sinabi ni Yang, na idinaos kamakailan ng Tsina at Amerika ang mga diyalogo sa mga aspekto ng militar, pagbabago ng klima, kalusugan, at agrikultura.

 

Kapaki-pakinabang aniya ang mga ito, at kailangang panatilihin ang ganitong mabuting tunguhin.

 

Tinukoy niyang, ang mga pananalita at aksyon kamakailan ng panig Amerikano ay taliwas sa pangako nitong susundin ang patakarang Isang Tsina, at hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Hindi na dapat tumahak ang panig Amerikano sa maling landas, para maiwasan ang pinsala sa kasalukuyang positibong situwasyon, diin ni Yang.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan