CanSinoBIO COVID-19 vaccine ng Tsina, may basbas na ng WHO

2022-05-20 14:56:39  CMG
Share with:

Isasama na ng World Health Organization (WHO) sa mga sertipikadong bakuna ang Convidecia vaccine laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Cansino Biologics Inc. ng Tsina.

 

Ito ang ika-3 bakunang Tsino laban sa COVID-19 na napabilang sa WHO Emergency Use Listing (EUL).

 


Ayon sa pahayag ng WHO na inilabas nitong Huwebes Mayo 19, 2022, natapos na ang pagtasa sa kalidad, kaligtasan, bisa, plano sa pangangasiwa sa panganib, kalagayan ng pagpoprodyus at iba pang kalagayan ng nasabing bakuna.

 

Ang Convidecia ay single-dose vaccine. Noong isang taon, ang Sinopharm at Sinovac ay binigyan ng awtorisasyon ng WHO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac