Anthony Albanese, manunungkulan bilang bagong PM ng Australia

2022-05-22 13:27:17  CRI
Share with:

Ayon sa inisyal na resulta ng pederal na halalan ng Australia, nitong Sabado ng gabi, Mayo 21 (local time), malaki ang lamang ng Labor Party kontra sa naghaharing koalisyong Liberal Party at National Party.

 

Kaugnay nito, inako na ni Scott Morrison, kasalukuyang Punong Ministro ng Australia, ang kanyang pagkabigo sa halalan.

 

Samantala, nakatakdang buuin ng Labor Party ang bagong pamahalaan ng bansa, at si Anthony Albanese, lider ng Labor Party ang  manunungkulan bilang bagong Punong Ministro ng Australia.


Salin: Lito

Pulido: Rhio