Hilagang Korea, naglunsad ng 3 ballistic missiles

2022-05-25 10:49:25  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Mayo 25, 2022 ng Joint Chiefs of Staff (JCS) ng Timog Korea na inilunsad nang araw ring iyon ng Hilagang Korea ang 3 ballistic missiles patungo sa karagatan ng East Sea.

 

Ayon sa pahayag ng palasyong pampanguluhan ng Timog Korea, pinanguluhan ni Pangulong Yoon Suk-yeol ang pulong ng National Security Council (NSC) para talakayin ang isyu ng paglulunsad ng Hilagang Korea ng naturang mga missiles.


Salin: Ernest

Pulido: Mac