Hong Kong, idinaos ang porum tungkol sa Basic Law

2022-05-28 17:48:03  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Mayo 27, 2022, ang porum tungkol sa Basic Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), bilang isa sa mga aktibidad ng selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inangbayan.

 

Sa pagtataguyod ng Kagawaran ng Katarungan ng pamahalaan ng HKSAR, lumahok sa porum ang mga personahe mula sa sentral na pamahalaan ng Tsina, pamahalaan ng HKSAR, at ibang mga sektor.

 

Sa ilalim ng temang “pagsasakatuparan ng kasaganaan sa pamamagitan ng katatagan,” tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa kung paanong patatagin ng sentral na pamahalaan ang kaayusang konstitusyonal sa Hong Kong, panumbalikin sa tumpak na landas ang pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong, pagpapaliwanag at pagpapatupad ng Basic Law, pagpapalakas ng kabuhayan ng Hong Kong, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos