Shanghai, sisimulan ang komprehensibong pagpapanumbalik sa normal

2022-05-31 14:49:04  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Mayo 31, 2022 ni Zong Ming, Vice Mayor ng Shanghai ng Tsina, na mula Hunyo 1, sisimulan na ng  Shanghai  ang komprehensibong pagpapanumbalik ng pamumuhay at operasyon ng mga industriya sa normal na kaayusan habang patuloy na isasagawa ang regular na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID 19).


Sinabi ni Zong na nauna rito, isinagawa ng Shanghai ang pagsubok sa tatlong distrito kaugnay ng naturang plano.


Sinabi pa ni Zong na 29 lamang ang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 nitong Mayo 30 at ang kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa Shanghai ay maayos na nakokontrol.


Salin:Ernest

Pulido: Mac