Seguridad ng pandaigdigang pagkaing-butil, handang pangalagaan ng Tsina at Alyansa ng Bioversity International at CIAT

2022-06-01 14:47:24  CMG
Share with:


 

Mayo 31, 2022, Roma, Italya undefined Ipinahayag ni Juan Lucas Restrepo, Director General ng Alyansa ng Bioversity International at International Center for Tropical Agriculture (CIAT), na dahil sa paglala ng situwasyon ng pagkaing-butil sa mundo, ang konstruksyon ng Community of Shared Future for Mankind ay mabuting paraan upang mapangalagaan ang seguridad ng pagkaing-butil ng daigdig.

 

Ang CIAT ay isang pandaigdigang organisasyon sa pananaliksik sa agrikultura na naglalayong tulungan ang mga umuunlad na bansa upang maisakatuparan ang sustenableng paggarantiya sa pagkaing-butil.

 

Ang punong himpilan nito ay nasa Roma.

 

Nang araw ring iyon, tinanggap ni Restrepo ang International Science and Technology Cooperation Award ng Tsina sa taong 2020.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio