Xi Jinping, nagpahayag ng pakikiramay sa pangulo ng Brazil kaugnay ng kalamidad

2022-06-02 17:06:23  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala kahapon, Hunyo 1, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil, kaugnay ng naranasang malaking kasuwalti ng bansa dahil sa mga baha at landslide na dulot ng malakas na ulan.

 

Ipinahayag ni Xi ang pagluluksa para sa mga biktima, at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya at iba pang tao sa mga apektadong lugar.

 

Hanggang sa kasalukuyan, di-kukulangin sa 100 katao ang naitalang nasawi sa hilagang silangang bahagi ng Brazil.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan