Matapat at pantay na pakikitungo, ginagawa ng Tsina sa maliliit at katamtamang-laking bansa - Wang Yi

2022-06-02 17:08:49  CMG
Share with:

 

Sa pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Vanuatu, ika-anim na stop ng kanyang 10-araw na biyahe sa rehiyong Pasipiko, kinatagpo siya Hunyo 1, 2022, sa Port Vila, kabisera ng bansa, ni Pangulong Tallis Obed Moses ng Vanuatu.

 

Sa pagtatagpo, sinabi ni Wang, na laging iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa soberanya.

 

Buong tapat at pantay aniyang nakikitungo ang Tsina sa mga maliit at katamtamang-laking bansa.

 

Tinukoy din ni Wang, na ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Vanuatu, at sa loob ng panahong ito, mas nagkaisa at tumatag ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Pinasalamatan naman ni Moses ang Tsina sa lagi nitong pagtugon sa mga pangangailangan ng Vanuatu, at pagtulong para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagtatayo ng mga imprastruktura.

 

Ito aniya ay nagdulot ng malaking benepisyo sa mga mamamayan ng Vanuatu.

 

Sa araw na ito, kinatagpo rin si Wang ni Punong Ministro Bob Loughman at iba pang mga pangunahing opisyal ng nasabing bansa.

 

Narating nila ang 5-puntong pagkakasundo tungkol sa pagpapalakas ng relasyon ng Tsina at Vanuatu, at pagpapasulong ng kanilang kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan