Pagtanggap sa Tsina, ipinahayag ng Papua New Guinea

2022-06-05 11:48:06  CMG
Share with:

Lubos na pinapurihan kamakailan ni Ministrong Panlabas Soroi Eoe ng Papua New Guinea (PNG) ang ibinibigay na mahalagang suporta at tulong ng Tsina sa rehiyong Timog Pasipiko, partikular sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng PNG.

 

Ipinahayag ni Eoe ang mainit na pagtanggap sa kooperasyon sa Tsina.

 

Aniya, nakahanda ang PNG na magsikap kasama ng Tsina para mapalakas ang pag-uugnayan, mapalawak ang pagkakataon, mapaunlad ang kabuhayan, at likhain ang mga trabaho.