2022 Awards for Promoting Philippines-China Understanding, gaganapin sa Hunyo 10

2022-06-06 17:14:05  CMG
Share with:


Bilang pagkilala at pagpugay sa kanilang ambag sa pagpapasulong ng pagkakaibigang Pilipino-Sino, 11 laureates ang pararangalan sa 2022 Awards for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU).

Ang seremonya ng paggagawad ay idaraos sa Hunyo 10, 2022, isang araw pagkatapos ng Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.  

Isang media forum ang ginanap ngyaong araw, Hunyo 6, upang ipakilala ang mga laureates.

Ang yumaong si Kagalang-galang Jose Santiago Sta. Romana, ay bibigyan ng Special Award na Gawad Sultan Paduka Pahala.

Hall of Fame naman sina dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at dating Ambassador Francisco Benedicto na naitalaga sa Tsina mula Pebrero 2010 hanggang Abril 2011.

Para sa Outstanding Contributions kabilang sa awardees sina Wilson Lee Flores, Honorary Chairman ng Anvil Business Club at Moderator ng Pandesal Forum, Rodrigo “Rod” P. Kapunan, Manila Standard Columnist, Mauro Gia Samonte, Manila Times Columnist, Princess Jacel H. Kiram ng Sultanate of Sulu, Co-Founder and President ng International Center for Peace, Reconciliation and Development.

Samantala kasali sa mga pararangalan para sa kategoryang Major Contributions sina Paul Gutierrez, Kalihim ng National Press Club at Columnist/Reporter ng People’s Journal, Professor Cavin Franco Pamintuan, Philippine Director ng Confucius Institute ng Angeles University Foundation, Professor Celso L. Cainglet, Senior Lecturer sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas, at April Marie C. Dayap, Chief ng Davao City Investment and Promotion Center.


Kabilang sa mga lalahok sa seremonya paggagawad sina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Chairman Emeritus ng Association for Philippines-China Understanding (APCU), Ginoong Jeffrey Ng, Presidente ng APCU, Ambahador Huang Xilian ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, kasama ng mga panauhin mula sa pamahalaang Pilipino, at iba pang mga sektor.

Ang taunang pagkilala ay inilunsad noong 2021 ng APCU at ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas. Ang gawad ay nagbibigay pugay sa mga ambag upang palakasin ang ugnayan at isulong ang mutwal na pag-uunawaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng kahusayan sa  mga larangan ng mass media, serbisyo publiko, kalakalan at komersyo, sining, kultura at agham.

Mahigpit na pinili at sinala ang mga gagawaran ng parangal sa taong ito.

 

Ulat: Jade/Mac

Pulido: Mac/Jade