Parangal, iginawad ng Tsina sa mga boluntaryong nangangalaga sa kapaligiran

2022-06-06 16:16:49  CMG
Share with:

Ipinalabas Hunyo 5, 2022 ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina ang listahan ng mga namumukod na boluntaryo, kasabay ng pagdaraos ng mga aktibidad bilang paggunita ng World Environment Day.

 

Inanunsyo rin ng nasabing ministri ang resulta ng kampanyang kumikilala sa 104 na modelong boluntaryo na nagsikap upang pabutihin ang kapaligiran ng bansa.

 

Ang naturang kampanya ay bahagi ng plano ng aksyong magkakasamang inilabas noong nakaraang taon ng 6 na departamento ng pamahalaan, para pataasin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

 

Sa kabilang dako, 12 proyekto ng pangangalaga sa kapaligiran at 12 institusyon ang kinilala rin sa kampanya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio