Pangangalaga sa kapaligiran, ipinanawagan ni Xi Jinping

2022-06-06 15:00:33  CMG
Share with:

 

Sa kanyang liham na pambati sa World Environment Day, Hunyo 5, 2022 sa lunsod ng Shenyang, lalawigang Liaoning ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong sikap na itayo ang isang magandang Tsina kung saan maharmoyang namumuhay ang mga tao at kalikasan.

 

Ito aniya ay malaking ambag para sa konstruksyon ng malinis at magandang mundo.

 

Sinabi ni Xi na ang pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ay komong hangarin ng buong sangkatauhan.

 

Sapul noong 2012, inilagay aniya ng Tsina ang konstruksyong ekolohikal sa pundamental na puwesto na may kinalaman sa sustenableng pag-unlad ng Nasyong Tsino.

 

Ipinagdiinan din ni Xi na sa hinaharap, patuloy na igigiit ng Tsina ang estratehiya ng pangangalaga sa ekolohial na kapaligiran, at pasusulungin ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan patungo sa berdeng pagpapanibago. 


Salin: Ernest

Pulido: Rhio