Ganting hakbang, isasagawa ng Rusya kung magbibigay ng modernong misayl ang mga bansang kanluranin sa Ukraine – Putin

2022-06-06 16:14:00  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 5, 2022, ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na kung magkakaloob ng mga long-range missiles ang mga bansang kanluranin sa Ukraine, “isasagawa ng Rusya ang ganting hakbangin at maglulunsad ng pag-atake sa mga bagong target.”

 

Samantala, sa ulat Hunyo 5, 2022 ng National News Agency ng Ukraine, sinabi ni Mayor Vitali Klitschko ng Kyiv, na 1 katao ang nasugatan sa ginawang pagpapa-ulan ng misayl kamakailan ng Rusya sa dalawang distrito ng lunsod.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio