Sasakyang pangkalawakang Shenzhou-14, dumaong sa space station ng Tsina: 3 taikonaut, pumasok sa core module

2022-06-06 11:48:55  CMG
Share with:

Isiniwalat kagabi, Hunyo 5, 2022 ng China Manned Space Agency (CMSA) na pumasok na sa Tianhe Core Module ng space station ng Tsina ang tatlong taikonaut mula sa Shenzhou-14.

 


Kabilang sa mga ito ay sina: Chen Dong, Liu Yang at Cai Xuzhe.

 


Makaraang matagumpay na isagawa ng Shenzhou-14 ang pakikipaghugpong at pagdaong sa Tianhe Core Module, Tianzhou-3 Cargo Craft at Tianzhou-4 Cargo Craft, sunud-sunod na pumasok ang mga taikonaut sa orbital capsule, mula sa return capsule ng spaceship.

 

Isasagawa nila ang mga kaukulang gawain, ayon sa nakatakdang plano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio