Roller skating, nagiging popular sa mga kabataang Tsino

2022-06-06 14:13:27  CRI
Share with:

Ngayong araw, Hunyo 6, 2022 ay China Roller Skating Day.

 

Mula nang umusbong ang roller skating sa Tsina noong taong 1982, ito ay isa na ngayong popular na sports event na nakakapagpasulong sa pambansang kalusugan.

 

Tuwing Sabado’t Linggo, makikita sa mga parke sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang mga batang naglalaro ng roller skates.

 

Maliban diyan, ang roller skating ay marami na ring ibat-ibang event na pampalakasan sa Tsina na gaya ng Speed Skating, Artistic Skating, Freestyle Skating, Aggressive Skating, at Inline Downhill Skating.

 

May pagkakatulad din ang kinakailangang kakayahan sa roller skating at ice skating, at dahil sa pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, nagiging mas popular ang roller skating sa mga kabataang Tsino nitong ilang taong nakalipas.


Salin: Lito

Pulido: Rhio