US$3.1 trilyon, foreign reserve ng Tsina noong Mayo

2022-06-08 14:47:39  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas nitong Martes, Hunyo 7, 2022 ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, umabot sa 3.1 trilyong US dollars ang foreign exchange reserve ng bansa noong katapusan ng nagdaang Mayo, at ito ay lumaki ng 8.1 bilyong US dollars, o 0.26% kumpara noong katapusan ng nagdaang Abril.

 

Sinabi ni Wang Chunying, Pangalawang Direktor ng SAFE, na ang ganitong paglago ay nangyari sa panahong matamlay ang kalagayan ng dolyar.

 

Aniya, nananatiling matatag sa kabuuan ang takbo ng foreign exchange market ng bansa, samantalang naging balanse ang suplay at pangangailangan ng domestic foreign exchange.

 

Dagdag niya, sa kasalukuyan, masalimuot at matindi pa rin ang kapaligirang panlabas, dumarami ang mga panganib at hamong kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig, at nangingibabaw pa rin ang kawalang katiyakan sa pandaigdigang merkadong pinansyal. Pero sa ilalim na suporta ng mabisa’t koordinadong patakaran sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhaya’t lipunan, hindi nagbabago ang batayan ng malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at patuloy na mananatiling matatag sa kabuuan ang foreign exchange reserve ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac