Kooperasyon ng Tsina at limang bansa sa Gitnang Asya, pag-iibayuhin

2022-06-09 19:53:02  CMG
Share with:

 

Kasama ang mga counterpart mula sa Kazakhstan, Turkmenistan, Kyrgyzstan, Tajikistan, at Uzbekistan, lumahok kahapon, Hunyo 8, 2022, sa Nursultan, kabisera ng Kazakhstan si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Limang Bansa sa Gitnang Asya.

 

Sa magkasanib na preskon makaraan ang pulong kasama ni Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas Mukhtar Tleuberdi ng Kazakhstan, isinalaysay ni Wang, na sang-ayon ang mga kalahok na bansa na bumuo ng mekanismo ng regular na pagpapalitan ng kani-kanilang mga lider, para palakasin ang kooperasyon ng lahat ng may kinalamang panig.

 

Ipinahayag din ni Wang, na handang makipagtulungan ang Tsina sa nasabing limang bansa, para itatag ang indipendiyente, mapayapa, masagana, at kooperatibong Gitnang Asya.

 

Aniya, pasusulungin ng dalawang panig ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road, at pangangalagaan ang katiwasayan sa kapuwa mga tradisyonal at di-tradisyonal na aspekto.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan