Putin: Kabuhayang Ruso, hindi magiging sarado

2022-06-10 15:02:24  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Hunyo 9, 2022 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na hindi magiging sarado ang kabuhayan ng Rusya, at hindi rin ilalagay ang hadlang sa sarili.

 

Winika ito ni Putin sa pakikipagtagpo sa mga kabataang mangangalakal.

 

Aniya, imposibleng harangan ang bansang tulad ng Rusya mula sa labas, at walang balak ang Rusya na bakuran ang sarili.

 

Pagsisisihan ng mga kompanyang dayuhan na lumisan sa merkado ng Rusya ang kani-kanilang desisyon, dagdag ni Putin.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac