Halos 13,000 relikya, nahukay sa Guho ng Sanxingdui

2022-06-13 15:54:49  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling arkeyolohikal na resultang inilabas ng Sichuan Provincial Cultural Relics and Archaeology Research Institute ngayong araw, Hunyo 13, 2022, halos 13,000 relikya ang natuklasan sa 6 na hukay sa Guho ng Sanxingdui.

 


Ayon sa instituto, lahat ng mga nahukay na relikya ay mula sa Dinastiyang Shang (1600 BC-1046 BC) at ang mga ito ay pawang may-kinalaman sa pag-aalay at pagsasakripisyo.

 


Kumpirmado ring natagpuan ang sacrificial area, na kinabibilangan ng 2 hukay na natuklasan noong 1986, at 6 na bagong-tuklas na hukay mula 2020 hanggang 2022.

 

Ilan sa mga nadiskubreng relikya ay walang katulad sa kasaysayan dahil sa kanilang katangi-tanging hugis, na nagpapatunay sa dibersidad ng sibilisasyong Tsino.

 

Matatagpuan sa Guanghan City, Lalawigang Sichuan ng Tsina, ang Guho ng Sanxingdui ay may saklaw na halos 12 kuwadrado kilometro.

 


Ang mga relikyang nakuha rito ay nagpapamalas ng masaganang imahenasyon at mahusay na sining ng gawang-kamay ng mga ninunong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio