Sanhi ng kahirapan sa relasyong Sino-Australyano, malinaw—Ministring Panlabas ng Tsina

2022-06-15 14:35:25  CMG
Share with:

Sinabi nitong Martes, Hunyo 14, 2022 ng punong ministro ng Australya na dapat alisin ng Tsina ang sangsyon laban sa Australya, para mapabuti ang relasyong Australyano-Sino.

 

Aniya, winewelkam ng kanyang bansa ang diyalogo sa Tsina.

 

Bilang tugon, tinukoy kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na ilang taon, napakalinaw ang sanhi ng kahirapan sa relasyong Sino-Australyano, at nananatiling maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyon sa Australya.

 

Diin ni Wang, sa proseso ng paghawak sa bilateral na relasyon, dapat igiit ng panig Australyano ang simulain ng paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

 

Kailangan aniyang tumungo ang Australya sa walang kinikilingang panig, at pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Australya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio