NEV ng Tsina, pumasok na sa pamilihang Pilipino

2022-06-16 19:55:23  CMG
Share with:

Upang makatulong sa paglutas sa problema ng transportasyon sa Pilipinas, sinimulan noong 2018 ng BYD Company Limited ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa mga bahay-kalakal na Pilipino tungo sa pagpapa-unlad ng industriya ng mga new energy vehicle (NEV) sa bansa.

 

Dahil dito, ang Pilipinas ay naging isa sa mga unang sampung bansa sa daigdig na nag-aangkat ng mga NEV ng Tsina, simula 2021.

 

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay isa nang isang malaking bansang gumagawa at nagbebenta ng mga NEV.

 

Noong 2021, umabot sa 60 bilyong yuan RMB ang saklaw ng pamilihan ng NEV sa Tsina.

 

Ang pag-unlad ng insdustryang ito ay nagmula sa pag-unlad ng teknolohiya ng baterya.

 

Sa kasalukuyan, ang karaniwang saklaw ng paglalakbay ng mga de-koryenteng kotse na gawa ng Tsina ay umaabot sa 400 kilometro, at ito ay nakakatugon sa kahilingan ng paglalakbay sa loob ng lunsod.

 

Ayon sa pagtaya ng International Renewable Energy Agency (IRENA), hanggang sa taong 2025, aabot sa 10 milyon ang bilang ng mga NEV sa pamilihang ASEAN.

 

Ito ay magkakaloob ng mas malaking pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng Tsina upang makipagkooperasyon sa Pilipinas sa industriya ng NEV.