Direktang puhunang dayuhan sa Tsina sa unang 5 buwan ng 2022, lumaki ng 17.3%

2022-06-19 14:06:13  CRI
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, 564.2 bilyong yuan RMB ang aktuwal na direktang puhunang dayuhan sa Tsina.

 

Ito ay mas malaki ng 17.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, anang ministri.

 

Samantala, ang pamumuhunan ng Timog Korea, Amerika, at Alemanya ay magkakahiwalay na lumaki ng 52.8%, 27.1% at 21.4%.

 

Sa kabilang dako, dahil hindi pa kontrolado ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, nariyan pa rin ang mga panganib, hamon, at patuloy na pagtaas ng mga walang-katiyakang elementong nakaka-apekto sa paglaki ng kabuhayang Tsino at pandaigdig.

 

Sa kalagayang ito, ipinakikita ng matatag na pag-akit ng puhunang dayuhan ng Tsina na mayroon pa ring malakas na bentahe ang bansa sa aspektong gaya ng imprastruktura, lakas-paggawa, at pasilidad na sumusuporta sa industriya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio