Pagpapasulong ng pandaigdigang kaunlaran, pangako ng Tsina - Wang Yi

2022-06-20 17:13:23  CMG
Share with:

Sa kanyang paglahok sa pamamagitan ng video link sa preskon tungkol sa paglabas ng Global Development Report, binigyang-diin ngayong araw, Hunyo 20, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang pangako ng kanyang bansa, na pasulungin ang pandaigdigang kaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyon, igiit ang tunay na multilateralismo, itaguyod ang bukas at inklusibong partnership, at ibahagi ang mga karanasan sa pag-unlad.

 

Tinukoy ni Wang, na nakalakip sa naturang ulat ang mga pangunahing hakbangin ng Tsina para sa pagsasagawa ng Global Development Initiative (GDI) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.

 

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng naturang inisyatiba, nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa mga pangunahing aspektong gaya ng pagbabawas ng karalitaan, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpopondo para sa kaunlaran, pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapaunlad ng digital economy, at iba pa.

 

Ito ay para isakatuparan ang layunin ng GDI na hindi iwanan ang anumang bansa at anumang tao sa pag-unlad, diin ni Wang.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan