Madalas na pamamaril sa Amerika, ikinababahala ng Tsina

2022-06-22 15:26:44  CMG
Share with:

 

Ipinahayag nitong Martes, Hunyo 21, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinababahala ng panig Tsino ang madalas na pamamaril sa Amerika na nagresulta sa maraming kasuwalti.

 

Ikinalulungkot din aniya ng Tsina ang kawalang-aksyon ng pamahalaang Amerikano para mabawasan ang karahasang ito sa loob ng mahabang panahon.

 

Ayon sa Gun Violence Archive, isang non-profit organization ng Amerika, noong nagdaang Sabado at Linggo, naganap sa mga lugar ng Amerika ang halos 220 pamamaril na ikinamatay ng halos 90 katao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio