FER ng Tsina, 17 taon ng nasa unang puwesto sa daigdig

2022-06-24 14:31:31  CMG
Share with:

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng State Administration ng Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina nitong Huwebes, Hunyo 23, 2022, ang halaga ng Foreign Exchange Reserve (FER) ng Tsina ay lumampas sa US$3.1 triyon noong katapusan ng nagdaang Mayo. Ang bilang na ito ay nasa unang puwesto sa daigdig nitong nagdaang 17 taong singkad.

 

Ipinahayag ni Wang Chunying, Pangalawang Puno ng SAFE, na nananatiling ligtas ang mga ari-arian ng foreign exchange ng Tsina at bumubuti ang sistema ng Tsina sa pangangasiwa at pagpapatakbo ng FER.

 

Sinabi pa ni Wang na nananatiling bukas ang foreign exchange market ng Tsina sa mga dayuhan. Dagdag pa niya, maaaring isagawa ang transaksyon ng mahigit 40 uri ng dayuhang salapi at mga pangunahing produktong pandaigdig ng foreign exchange sa pamilihang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Mac