Babaeng neuroscientist ng Tsina, ginawaran ng gantimpala ng UNESCO

2022-06-25 16:59:39  CMG
Share with:


Ginawaran kamakailan ng gantimpala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa mga babae sa larangan ng siyensiya si Hu Hailan, 49 na taong gulang na babaeng neuroscientist ng Tsina, para sa kanyang ambag sa pagdedebelop ng bagong henerasyon ng mga medisina laban sa depression.

 

Si Hu ay propesor at ehekutibong direktor ng Neuroscience Center sa Zhejiang University School of Medicine. Siya ay ikapitong Tsino na nakatanggap ng naturang gantimpala, sapul nang itatag ito noong 1998.

 

Ginawaran din ng naturang gantimpala ang 4 pang babaeng siyentista mula sa Cuba, Amerika, Rwanda at Espanya.

 

Sa seremonya ng paggagawad ng gantimpala na idinaos kamakalawa, Hunyo 23, 2022, sa Paris, sinabi ni Audrey Azoulay, Direktor Heneral ng UNESCO, na kailagan ng siyensiya ang paglahok ng mga babae, at ang siyensiya ay dapat maging mas bukas sa mga kababaihan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos