Unang medalyang ginto, nasungkit ng koponang Tsino sa FINA Worlds

2022-06-27 15:18:43  CMG
Share with:

Budapest, Hungary--Sa unang araw ng kompetisyon ng Ika-19 na International Swimming Federation (FINA) World Championships Hunyo 16, 2022, medalyang ginto ang napanalunan ng Chinese diving pair na sina Cao Yuan at Wang Zongyuan sa men's 3-meter synchronized final.



Ito ang unang medalyang ginto ng koponang Tsino sa kasalukuyang FINA Worlds.

 


Samantala, medalyang pilak naman ang nakuha ng mga atletang Britaniko, at ang medalyang tanso ay inangkin ng koponang Aleman.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio