Hong Kong Palace Museum, binuksan sa publiko

2022-07-04 14:16:36  CMG
Share with:

 

Opisyal na binuksan sa publiko Hulyo 3, 2022 ang Hong Kong Palace Museum.

 

Ani Kevin Yeung Yun-hung, Kalihim ng Culture, Sports and Tourism Bureau (CSTB) ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, ang museong ito ay nakakatulong sa komprehensibong pag-unlad ng West Kowloon Cultural District.

 

Sinabi pa niyang sa hinaharap, lalong palalakasin ng museo ang bentahe nito sa kultura ng Hong Kong para mas maayos at mabisang maipakita ang kaalaman at maisalaysay ang kuwento ng Tsina.


 

Hanggang Hulyo 2, 85% ng kabuuang 140 libong tiket ang naibenta na ng museo sa unang 4 na linggo ng pagbubukas nito.