Takbo ng Space Station ng Tsina, maayos

2022-07-07 16:10:35  CMG
Share with:

Isang buwan na ang nakalipas sapul nang matagumpay na dalhin ng Shenzhou-14 Spacecraft ang tatlong taikounaut na sina Chendong, Liu Yang at Cai Xuzhe sa core module ng space station ng Tsina na tinatawag na “Tianhe.”

 


Ang pinakamahalaga sa listahan ng mga misyon ng tatlong taikounaut ay pagsalubong sa pagdating ng lab module na “Wentian.”

 

Ayon sa plano, ilulunsad ang Wentian sa Wenchang Space Launch Center, Lalawigang Hainan ng Tsina sa katapusan ng kasalukuyang buwan, at dadaong ito sa kombinasyon ng space station.

 


Nitong nakalipas na ilang araw, natapos na ng mga taikounaut ang pagsusuri at pagsubok sa mga extravehicular spacesuit.

 

Sumusulong din ang pag-a-upgrade ng iba’t ibang software ng kombinasyon ng space station, para mapataas ang seguridad at katatagan ng mga susunod na misyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio