Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsiklab ng “July 7 Incident,” simula ng paglaban ng buong Nasyong Tsino sa pananalakay ng Hapon

2022-07-07 16:30:55  CRI
Share with:

Ngayong araw, Hulyo 7, 2022 ay ika-85 Anibersaryo ng Pagsiklab ng “July 7 Incident.”

 

Ang Lugou Bridge

Sa katuwirang nawala umano ang isang sundalong Hapon matapos ang patrolya sa paligid ng Lugou Bridge, hiniling ng tropang Hapones sa pamahalaan ng Tsina na payagan silang pumasok sa bayang Wanping sa hilaga ng Lugou Bridge para hanapin ang di-umano’y nawawalang sundalo.

 

Sumusugod na sundalong Tsino sa Lugou Bridge para labanan ang tropang Hapones.

Makaraang tumanggi ang Tsina, binomba ng tropang Hapones ang bayang Wanping na nagpasimula sa kasindak-sindak na “July 7 Incident.”

 

Mga tropang Hapones, habang binobomba ang Wanping.

Pagkatapos nito, inilunsad ng Hapon ang komprehensibong digmaan laban sa Tsina, bagay na nagdulot ng napakalaking kapahamakan.

 

Tropang Tsino sa Lugou Bridge habang nilalabanan ang pananalakay ng tropang Hapones.

Sa harap ng malupit na pananalakay, nagkaisa ang mga mamamayang Tsino at matapang nilang nilabanan ang mga mananalakay.

Sa panahong ito naganap ang maraming kahindig-hindig na krimeng tulad ng Nanjing Massacre, walang habas na pambobomba, at malupit na patakarang “patayin ang lahat, kumpiskahin ang lahat, at sunugin ang lahat.”

 

Bukod pa riyan, lantarang nilabag ng tropang Hapones ang pandaigdigang batas, at malawakang ginamit ang mga sandatang kemikal na nagdulot ng napakalaking kasuwalti sa mga sundalo at sibilyang Tsino.

 

Binomba ng tropang Hapones Agosto 28, 1937 ang Shanghai. Mahigit 200 katao ang namatay. Makikita sa litrato ay isang batang sugatan.

Sa buong panahon ng pananalakay ng Hapon, mahigit 35 milyong sundalo at mamamayang Tsino ang napatay o nasugatan, mahigit 6 na milyong kuwadrado kilometerong pambansang lupa ang sinakop, at 42 milyong Tsino ang nawalan ng tirahan.

 

Bukod pa riyan, malaki rin ang kapinsalaang pangkabuhayan at di-masukat ang kasakitang dinanas ng mga Tsino.

 

Dalawang araw matapos ang July 7 Incident, nanawagan ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga hukbo at mamamayang Tsino na magkaisa para magkakasamang labanan ang mga  Hapon.

 

Idineklara rin sa Lushan noong Hulyo 17, 1937 ni Jiang Jieshi, Presidente ng Kuomintang at lider ng Republika ng Tsina, ang digmaan laban sa Hapon.

 

Museum of the War of Peoples Resistance Against Japanese Aggression

Pagkaraan ng 8 taong madugong labanan, nakamtan ng mga mamamayang Tsino ang dakilang tagumpay laban sa pananalakay ng Hapon.

 

Mga butas ng bala sa pader ng Wanping

Noong Agosto 15, 1945, inihayag ng emperador ng Hapon ang pagtanggap ng Potsdam Declaration, walang pasubaling pagsuko, at pagtatapos ng digmaan.

  

Ang tanawin ng kasalukuyang Lugou Bridge


Salin: Lito

Pulido: Rhio