Ministro at kalihim na panlabas ng Tsina at Pilipinas, nagtagpo: relasyong Sino-Pilipino isusulong sa bagong “ginintuang panahon”

2022-07-07 11:38:38  CMG
Share with:

Nagtagpo Miyerkules, Hulyo 6, 2022 sa Manila sina Kalihim Luis Enrique Manalo ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, at Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Ani Manalo, si Wang ang unang ministrong panlabas mula sa ibang bansa na dumalaw sa Pilipinas matapos mabuo ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

 

Aniya pa, patuloy at matatag na iginigiit ng Pilipinas ang patakarang Isang Tsina.

 

Binigyang-diin ni Manalo na kailangang lutasin ang mga hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa mga isla at reef sa pamamagitan ng paraang diplomatiko at mapayapa.

 

Ipinahayag naman ni Wang na kasama ng Pilipinas, handang pasulungin ng Tsina ang relasyong Sino-Pilipino patungo sa bagong “ginintuang panahon.”

 

Sinabi pa ni Wang na dapat igiit ng dalawang bansa ang maayos na paglutas sa mga isyu ng South China Sea (SCS), pasulungin ang magkasamang paggagalugad sa dagat at pabilisin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct on the SCS.

 

Bukod diyan, kapuwa sumang-ayon din ang dalawang opisyal sa patuloy, de-kalidad at magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative; pagpapahigpit ng relasyon ng Tsina at ASEAN; at pagpapalakas ng kooperasyon at pagkokoordinahan sa mga multilateral na usapin.

 

Pinag-usapan din nila ang hinggil sa isyu ng Myanmar at kalagayan ng Europa.

 

Matapos ang pagtatagpo, magkasamang tinanggal nina Wang at Manalo ang tabing ng proyekto ng tulay sa pagitan ng Davao at Isla ng Samar.

 

Sinaksihan din nila ang paglagda sa mga dokumento ng kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio