VP “Inday” Sara Duterte-Carpio, nakipagtagpo kay Wang Yi

2022-07-07 10:53:39  CMG
Share with:

Miyerkules, Hulyo 6, 2022, Manila – Sa pakikipagtagpo niya kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, pinasalamatan ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte-Carpio ang mga tulong ng Tsina sa Pilipinas sa mga programang kinabibilangan ng Build Build Build, paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapa-unlad sa mga lokalidad.

 

Umaasa aniya siyang mapapahigpit din ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng edukasyon.



Ipinahayag naman ni Wang na noong nakaraang 6 na taon, malaking pag-unlad ang natamo ng relasyong Sino-Pilipino sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.

 

Kasama ng Pilipinas, nakahanda aniya ang panig Tsino na palalimin ang kooperasyon sa larangan ng agrikultura, imprastruktura, enerhiya, kultura at edukasyon.

 

Tungkol sa edukasyon, ipinahayag ni Wang na handa ang Tsina upang magkaloob ng mas maraming pagkakataon at tulong sa mga estudyanteng Pilipino na makapag-aral sa Tsina.

 

Aniya pa, maaaring pahigpitin ng Tsina at Pilipinas ang mga kooperasyon sa bokasyonal na edukasyon, pagsasanay pangwika, at pagpapabuti ng kondisyon ng mga pasilidad ng edukasyon sa Pilipinas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio