Wang Yi at Clarita Carlos, nagtagpo: ugnayan sa kultura at pagpapalitang tao-sa-tao, palalakasin

2022-07-07 11:41:26  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo, Miyerkules, Hulyo 6, 2022 sa Manila nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Clarita Carlos, National Security Adviser ng Pilipinas, sinabi ni Wang na layon ng kanyang pagdalaw sa Pilipinas na ipakita ang pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Sino-Pilipino at pagkatig sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.


Aniya, matatag at sustenable ang mapagkaibigang patakaran ng Tsina sa Pilipinas.

 

Ipinahayag naman ni Carlos na nakahanda ang Pilipinas upang palawakin, kasama ng Tsina, ang pagpapalitan at kooperasyon, at maayos na hawakan ang mga hidwaan.

 

Kapuwa rin ipinalalagay ng dalawang opisyal na dapat pahigpitin ang ugnayan sa kultura at pagpapalitang tao-sa-tao (people-to-people exchanges) para patibayin ang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio