Tsina sa Hapon sa okasyon ng ika-85 anibersaryo ng July 7 Incident: tumpak na pakitunguhan at pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan

2022-07-07 16:58:34  CMG
Share with:

Ginugunita ngayong araw, Hulyo 7, 2022 ang ika-85 anibersaryo ng July 7 Incident.

 

Tungkol dito, inihayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na noong 1937, 85 taon na ang nakakaraan, sinalakay ng Hapon ang Tulay ng Lugou, at matapos ito, inilunsad din ang malawakang digmaan laban sa Tsina.

 

Aniya, sa pamamagitan ng sigasig ng mga mamamayang Tsino, naggapi ang mga mananalakay na Hapones, at nakamtan ang dakilang tagumpay.

 

Tinukoy niyang sa mula’t mula pa’y pinapa-unlad ng Tsina ang relasyon sa Hapon batay sa diwa ng paggamit sa kasaysayan bilang salamin sa hinaharap.

 

Umaasa aniya siyang tumpak na pakikitunguhan at pagsisisihan ng panig Hapones ang mapanalakay na kasaysayan, at igiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio