Amerika, hinimok ng Tsina na lumikha ng mabuting kondisyon sa pagsusulong ng aktuwal na kooperasyon

2022-07-07 16:46:37  CMG
Share with:

Nakatakdang magtagpo sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa darating na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G20.

 

Kaugnay ng tanong na babanggitin ba o hindi ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan at Xinjiang, ipinahayag Hulyo 6, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa relasyon ng Tsina at Amerika.

 


Aniya, dapat sundin ng Amerika ang regulasyon ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at pangalagaan ang pundasyong pulitikal ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Kaugnay ng isyung may kinalaman sa Xinjiang, binigyan-diin ni Zhao na ang umano’y “sapilitang pagpapatrabaho sa Xinjiang” ay komprehensibong kasinungalingan ng Amerika.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na itigil ang pagpapakalat ng kasinungalingan ng “sapilitang pagpapatrabaho” at itigil ang pagsasagawa ng “Uyghur Forced Labor Prevention Act, ” para lumikha ng mabuting kondisyon at aktuwal na aksyon para sa kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Puildo:Rhio