Tsina, umaasang mataimtim na pupulutin ng Hapon ang aral mula sa kasaysayan sa isyu ng pagsusog sa konstitusyon

2022-07-12 15:55:38  CMG
Share with:

Ipinagdiinan nitong Lunes, Hulyo 11, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng pagsusog ng Hapon sa konstitusyon ay pinag-uukulan ng lubos na pansin ng komunidad ng daigdig at mga kapitbansa sa Asya.

 

Bilang tugon sa tanong ng reporter hinggil sa isyu, sinabi pa ni Wang na umaasa aniya ang panig Tsino na mataimtim na pupulutin ng panig Hapones ang aral mula sa kasaysayan, at matatamo ang pagtitiwala ng mga kapitbansang Asyano at komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Ayon sa ulat, nagwagi sa halalan ng mataas na kapulungan ang naghaharing koalisyon ng Hapon, at nakakuha ang puwersang naninindigan sa pagsusog sa konstitusyon ng lampas sa dalawang-katlo ng mga luklukan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac