Kita ng mga sentral na SOE ng Tsina, lumaki sa unang hati ng 2022

2022-07-18 17:14:06  CMG
Share with:

Ini-ulat Hulyo 16, 2022 ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Tsina, na naging matatag ang daloy ng kita at lumaki ang tubo ng mga sentral na State Owned Enterprises (SOE) ng Tsina sa unang hati ng 2022.

 

Anito, ang pangkalahatang kita ng lahat ng SOE sa bansa ay umabot sa 1.4 trilyong yuan RMB – 7.1% na mas malaki kumpara sa parehong panahon ng 2021.

 

Kabilang dito, ang netong kita sa unang 6 na buwan ng taon ay umakyat sa mahigit 1 trilyong yuan RMB, na tumaas ng 6.1% kumpara noong 2021, dagdag ng SASAC.

 

Bukod pa riyan, mula Enero hanggang Hunyo, ang kombinasyong tubo ng 97 malaking sentral na SOE ng Tsina ay umabot sa 19.2 trilyong yuan RMB, na mas malaki ng 12 % kumpara sa parehong panahon ng 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio